Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong sobra ang timbang o iyong mga obese sa panahon ng pandemya.
Batay sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) na isinagawa ng Department of Science and Technology-Food and Research Institute(DOST-FNRI), naitala ang 3.9% ng obesity rate sa zero hanggang limang taong gulang, at 14% naman sa lima hanggang sampung taong gulang.
Bukod dito, isa rin sa bawat sampung kabataan ang obese habang apat sa bawat sampung matanda ang overweight.
Ipinapakita pa ng survey na 10% ng matatandang 20 hanggang 59 na taong gulang ang may kaparehong kondisyon.
6.2% naman sa mga animnapung taong gulang pataas ang obese habang 11.8% ang may chronic energy deficiency.
Samantala, isinagawa ng DOST ang ENNS sa mahigit 140,000 indibidwal noong July 2021 hanggang June 2022 sa 37 lalawigan at lungsod sa bansa.