Pumalo na sa 23,817 ang kabuuang bilang ng mga Filipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19 makaraang maiulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 248 na mga bagong kaso.
Batay pa sa datos na inilabas ng DFA, 296 ang bagong gumaling sa sakit kung kaya’t umabot na sa 14,129 na ang total recoveries.
Umakyat naman sa 1,424 ang death toll matapos maitala ang 74 mga bagong nasawi sa virus.
Pinakamaraming naitalang kaso ng Coronavirus sa Middle East/Africa na may 13,129 cases.
Sumunod ang Asia Pacific Region na may 5,996 infections, habang nakapagtala naman ng 3,651 cases sa Europa, at 1,041 na mga kaso ng COVID-19 sa Amerika.
Ang mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng virus ay mula sa 103 mga bansa o teritoryo. —sa panulat ni Hya Ludivico