Aabot na sa 78 overseas filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ang tinamaan ng COVID-19.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello, III na karamihan sa mga ito ay asymptomatic.
Una rito, tiniyak ng OWWA na makakatanggap ang mga pinoy ng 200 dolyar o katumbas ng mahigit 10,000 pesos maliban pa sa hygiene kits, power banks at food assistance.
Ayon pa kay Bello, kasalukuyang nananatili sa quarantine facility ang mga OFW na pinaalis ng kanilang mga employer.