Muling pinakukuha ng Office of Migrant Workers Affairs (OMWA) ang listahan ng mga Pilipinong gustong umuwi ng bansa na nasa Sri Lanka sa gitna ng krisis sa ekonomiya rito.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni OMWA Undersecretary Eduardo De Vega na ito ay para kumpirmahin ang kabuuang bilang ng mga nais umuwi para sa ilalaang plane ticket.
Nilinaw din niya na ang hakbang ay bilang assistance o tulong at hindi repatriation.
Sa ngayon aniya’y wala namang Pinoy na nagpasabing maiiwan sila sa naturang bansa.