Lumulobo ang bilang ng mga overweight na Pinoy.
Batay sa pinakabagong survey ng expanded national nutrition, tumaas ng 6% ang overweight at obese sa Pilipinas.
Dahil dito, isinusulong ng National Nutrition Council (NNC) ang wastong nutrisyon at dagdag na physical activities.
Mainam anilang sundin ang tinatawag na 1-2-3 challenge kung saan ang una ay ang mag-exercise, pangalawa ay bawasan ang paggamit ng mga gadget at pangatlo kumain ng masustansyang pagkain.
Kasabay nito, nagpaalala ang NNC na ang mga sobra sa timbang ay malapit sa mga sakit tulad ng diabetes at sakit sa puso.