Pumalo na sa 495 paaralan sa Luzon ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol.
Sa datos ng Department of Education-Disaster Risk Reduction and Management Service, 276 sa mga paaralang ito ay napinsala kabilang ang 743 classrooms na bahagyang napinsala at 534 classrooms na totally damaged.
Ang Cordillera Administrative Region ang may pinakamataas na bilang ng mga apektadong paaralan na 264, sinundan ng Ilocos Region, 142 at Cagayan Valley, 49.
Nasa 23 paaralan naman ang kasalukuyang ginagamit bilang evacuation centers.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa mga field coordinators at iba pang ahensya para sa update at pagbibigay ng tulong sa mga apektadong mag-aaral, guro at kawani.