Umabot na sa 3 milyong pamilya sa buong bansa ang nakararanas ng gutom dahil walang makain.
Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS), nasa 11.8% ang hunger rate sa Pilipinas noong December 2021, mas mataas ng 1.8% kumpara sa naitalang 10% noong Setyembre ng parehong taon.
Naitala naman sa Metro Manila ang worst incidence na 22% kumpara sa 14% noong Setyembre na sinundan ito ng Mindanao na may 12% at Visayas, 9%.
Lumabas din sa December 2021 survey na 43% ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap, 39% ang itinuturing silang borderline poor habang 19% ang nagsabing hindi sila mahirap.
Ang naturang survey ay isinagawa mula December 12 hanggang 16, 2021, at nilahukan ng 1,440 Pilipinong nasa hustong gulang adults sa pamamagitan ng face-to-face interviews.