Pumalo na sa 600 ang kabuuang bilang ng mga pamilyang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng sunog ang sang residential area sa Barangay Paligsahan, Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, pahirapan silang apulahin ang sunog dahil sa masikip na daan at dikit-dikit na kabahayan.
Wala namang naitalang nasawi pero sugatan ang dalawang indibidwal sa naganap na sunog.
Humihingi ngayon ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng tirahan na ngayon ay nanunuluyan sa Manuel A. Roxas High School. —sa panulat ni Angelica Doctolero