Umabot sa 16% ng pamilyang Pilipino ang nagsabing nakaranas sila ng gutom dahil sa kawalan ng makakain nitong unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon.
Ito’y ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) noong Abril 28 hanggang Mayo 2 sa 1,200 na mga respondents.
Mababatid na lumabas sa naturang survey na ang naturang datos ay mas mataas kumpara sa naitala noong buwan ng Nobyembre 2020 habang doble naman ito kung ikukumpara noong datos na nakalap noong Disyembre 2019.
Sa Metro Manila, 496,000 na pamilya ang nagsabing may mga pagkakataon na walang makain ang kanilang pamilya.
15.7% naman sa Luzon, 16.3% sa Visayas habang 20.7% sa Mindanao.