Umabot na sa 370,713 ang kabuuang bilang ng pasahero na naserbisyuhan ng Metro Rail Transit (MRT-3) mula nang mag-operate ito noong June 2020.
Mas mataas ito kumpara sa nakaraang bilang na 370,276.
Ayon sa Department of Transportation (DOTR), ito ay resulta ng pagpapatupad ng libreng sakay at pagpapatakbo ng mas maraming train sets.
Matatandaan na nasa 250,000 hanggang 300,000 ang average daily ridership ng MRT-3 bago magkaroon ng COVID-19 pandemic.