Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para gunitain ang Undas.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), pumalo na sa higit 72,000 pasahero na ang kanilang naitatala mula sa lahat ng pantalan Pilipinas.
Pinakamaraming bilang ang naitala sa Western Visayas na may kabuuang bilang na 18,674 katao.
Sumunod naman ang Central Visayas na mayroong 14,983 pasahero.
Samantala may tig-higit 7,000 pasahero naman sa Southern tagalog at Northern Mindanao.
Inaasahan na mas tataas pa ang bilang ng mga pasahero sa mga susunod na araw.