Madadagdagan na ang mga maaaring sumakay sa MRT-3, LRT-1 at 2 at PNR simula ngayong araw.
Ito’y matapos itaas ang bilang ng mga pasaherong maaaring i-accommodate ng mga ito.
Hanggang 30% na o mahigit sa 300 pasahero ang maaari nang sumakay sa MRT-3 mula sa dating 153.
Sa LRT-1 at LRT 2 naman ay makapagsasakay na rin ng 300 hanggang 400 kada train set.
Habang sa PNR naman ay tataas na sa 200 hanggang 300 daan ang bilang na maisasakay na pasahero.
Kasabay nito, tiniyak ng Department of Transportation na magtatalaga sila ng mga train marshall sa iba’t ibang istasyon upang masiguro ang pagsunod ng minimum health protocol.