Kumpirmadong nasa 15,000 pasahero ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang dumadagsa ngayon sa NAIA terminal kada araw.
Ayon kay MIAA OIC General Manager, Cesar Chiong, inaasahang papalo pa ito sa 85,000 kada araw lalo na’t papalapit na ang Undas.
Aniya, sa ngayon nasa 120% na ang domestic operation sa NAIA habang 52% naman ang international operations.
Samantala, aasahang tataas pa ito sa Disyembre lalo na’t sunod-sunod ang pagbubukas ng local air carriers ng mga ruta sa ibang bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla