Inaasahang babalik na sa normal ngayong araw ang bilang ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) matapos dumagsa noong Semana Santa.
Nabatid na hanggang kahapon, dagsa parin ang mga pasahero sa mga terminal partikular na sa PITX kung saan, karamihan sa mga biyahero ay mula pa umano sa kani-kanilang mga probinsya.
Ayon kay Jayson Salvador, tagapagsalita ng PITX, umabot na sa 90K ang naitalang bilang ng mga pasahero.
Dahil dito, mas maraming tauhan ng PNP ang ipinakalat upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.