Nabawasan na ang mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kahapon kasabay ng pagdiriwang ng pasko.
Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, inaasahan nilang daragsa muli ngayong araw hanggang bukas ang mga pasahero, lalo ang mga pabalik ng Metro Manila.
Batay sa kanilang datos, pumalo sa 23,000 pasahero ang dumagsa sa PITX bandang alas-10 ng umaga kahapon.
Kumpara ito isandaan 44,000 noong Sabado o bisperas ng pasko. –sa panulat ni Jenn Patrolla