Pumalo na sa 13.1M ang kabuuang bilang ng mga pasaherong nabigyan ng serbisyo ng libreng sakay program ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nadagdagan ang bilang ng mga pasahero ngayong buwan na umabot sa mahigit 4M mula noong Mayo a-1 hanggang Mayo a-16.
Layunin ng libreng sakay ng MRT-3 na maipakita sa publiko ang mas pinagandang serbisyo ng DOTr-MRT-3 bunsod narin ng malawakang rehabilitasyon nito.
Sinabi ng DOTr na malaking tulong ang naturang programa sa mga gastusin ng mga pasahero sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin at pagtaas ng produktong petrolyo.