Kasalukuyang nasa 195 na mga pasyente ang nasa Manila COVID-19 Field Hospital matapos tamaan ng COVID-19.
Batay sa datos ng Manila Health Department, sa nasabing bilang, 190 dito ay Overseas Filipino Workers (OFWs) habang lima ang hindi OFWs.
114 naman sa mga naturang pasyente ay “asymptomatic” habang 81 ang may mild case habang walang nakakaranas ng severe o criticial case ng covid-19.
Nabatid na 81 sa mga ito ay fully vaccinated, 20 ang nakatanggap na ng first dose at 94 ang hindi pa bakunado laban sa nasabing virus.
Samantala, patuloy ang paalala ng pamunuan ng naturang field hospital na mag-ingat dahil nananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa.