Tumaas na ang porsyento ng mga Pilipinong handa nang magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Pulse Asia survey, umakyat na sa 43% nuong Hunyo mula sa 16% nuong Pebrero ang mga Pilipinong handa nang magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Nasa 36% naman ang ayaw pa ring magpa bakuna tatlong buwan matapos simulan ng gobyerno ang COVID-19 vaccination program nito nuong Marso 1.
16 percent naman ng Pinoy adults ang hindi nakakatiyak na mababakunahan at 5% ang nabakunahan, fully o partially.
Batay rin sa parehong survey pinakamataas o nasa 55% ang mga handang magpa bakuna ay mula sa National Capital Region na sinundan ng Mindanao sa 48%.
Ang Pulse Asia survey ay isinagawa sa 2, 400 respondets na may edad 18 pataas.