Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong mahihirap sa nagdaang taon.
Batay sa naitalang Poverty Incidence noong 2021, sumampa sa 18.1% o katumbas 19.99 million ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino.
Mababatid na mas mataas ito kumapra sa 16.7% o katumbas ng 17.67 poor Filipinos noong 2018.
Samantala, ang isang pamilya na mayroong limang miyembro ay kailangan ng 12,030 pesos kada buwan upang maibasan ang mga pangunahing pangangailangan, habang 8,379 naman para naman sa basic food needs.