Ipinagmalaki ng Malacañang na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap at salat sa pagkain.
Ito ay base sa fourth quarter survey na inilabas ng Social Weather Stations o SWS kung saan lumalabas na 50 percent ng mga pamilyang Pilipino ay nagsabing sila ay mahirap, mas mababa ng apat na puntos kumpara noong 2014 na naitala sa 54%.
Tatlumpu’t tatlong (33) porsyento ang mga pamilyang nagsasabing sila ay nagugutom o salat sa pagkain, mas mababa na naman ng dalawang puntos kumpara noong nakalipas na taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na resulta ito ng ipinatutupad na mga programang pang-mahihirap ng Aquino administration.
Idinagdag pa ni Lacierda na asahang paiigtingin pa ang pondo para sa mga pang-mahihirap na programa sa pamamagitan ng inilaang pondo sa 2016 national budget bilang bahagi ng isinusulong na mga hakbang sa Daang Matuwid.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)