Halos isanlibo (1,000) katao ang naitalang apektado ng HIV/AIDS noong March 2017 kung kailan nakapagrehistro ng pinakamaraming kaso simula noong 1984.
Ayon sa HARP o HIV/AIDS and Art Registry of the Philippines, naitala nila ang siyam na raan at anim naput walong (968) indibidwal na nagtataglay ng nasabing sakit at limampu’t siyam (59) ang Overseas Filipino Workers o OFWs dito.
Ang nasabing bilang ay tatlumpu’t dalawang (32) porsyento ng mga naiulat na kaso kumpara sa parehong panahon noong isang taon.
Siyam na raan at dalawampu’t anim (926) sa mga may HIV/AIDS ay kalalakihan at apatnapu’t dalawa (42) naman ang babae na kapwa nasa edad na dalawampu’t lima (25) hanggang tatlumpu’t apat (34) at kinse (15) hanggang beinte kuwatro (24) anyos.
Sexual contact partikular ng lalaki sa lalaki ang nangungunang paraan nang paglilipat ng nasabing sakit sa karamihan ng mga lalaking biktima.
Ang NCR o Natioal Capital Region o Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng HIV/AIDS noong Marso at mula January 1984 hanggang March 2017.
By Judith Larino
Bilang ng mga Pilipinong may HIV/AIDS patuloy na tumataas was last modified: May 10th, 2017 by DWIZ 882