Isa pang Pilipino sa Hong Kong ang nagpositibo na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, asymptomatic o hindi nakitaan ng sintomas ang nabanggit na Pilipinong manggagawa.
Sinabi ni Dulay, kasalukuyan na itong ginagamot sa isang quarantine facility sa Hong Kong.
Ito na ng ika-4 na Pilipino sa Hong Kong na nahawaan ng COVID-19.