Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong bumabalik sa trabaho sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Sagot ito ni acting spokesperson at cabinet secretary Karlo Alexei Nograles sa kabila ng pagsirit ng unemployment rate na naitala sa 6.6% noong Disyembre 2021 mula sa 6.5% noong Nobyembre 2021.
Ayon kay Nograles, bagama’t umakyat ang unemployment rate, tumaas naman ang labor force participation.
Malaking tulong ito para mas marami ang makabalik sa trabaho at mapasigla muli ang ekonomiya. —sa panulat ni Abby Malanday