Umakyat na sa 108 ang bilang ng mga Pilipino sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola, 77 ang dumulog sa konsulada ng Pilipinas upang mailipat sa isolation facility o ospital.
Lahat naman ng pilipinong nagpositibo sa virus ay nabigyan na ng atensyong medikal.
Sa ngayon, bumabalik na sa normal ang health system sa Hong Kong dahil sa pagdagdag ng pamahalaan ng 20K bed capacity para sa isolation.
Unang na-overwhelm ang health system sa Hong Kong nitong nakaraang linggo dahil sa biglaang pagsipa ng COVID-19 cases. - sa panulat ni Abigail Malanday