Dumami ang mga Pilipinong nagsabi na nakaranas sila ng gutom sa ikatlong bahagi ng 2015.
Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS), tatlo at kalahating milyong respondents o 15.7 percent ang nagsabing nakaranas silang magutom.
Mas mataas ito ng tatlong puntos sa 12.7 percent o katumbas ng 2.8 milyong pamilya na nagsabing nakaranas sila ng gutom nitong 2nd quarter ng kasalukuyang taon.
Ang survey ay isinagawa ng SWS mula September 2-5 sa may 1,200 respondents.
By Len Aguirre