Bahagyang bumaba ang bilang ng mga pamilyang Filipino na ikinukunsiderang sila ay mahirap base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa ikalawang quarter ngayong taon.
Bagaman bumaba sa 11.2 million ang bilang ng mahirap na pamilya base sa 2nd quarter survey kumpara sa 11.4 million noong unang quarter, nananatili naman ang rate nito sa 51 percent.
Kumpara ito sa 52 percent noong huling bahagi ng taong 2014.
Tinaya naman sa 8.1 million families o 37 percent ng mga pamilya ay ikinukunsiderang sila ay food-poor salat sa pagkain, noong Abril hanggang Hunyo kumpara sa 36 percent o 7.9 million noong first quarter.
Sa Metro Manila naman, tumaas ng 33 percent ang self-rated poverty sa ikalawang bahagi ng taon habang bumaba sa 58 percent sa Visayas mula sa dating 70 percent noong 1st quarter.
Sa buong Luzon, bumaba rin ang self-rated poverty sa 43 percent at sa Mindanao ay tumaas ng 70 percent ang self-rated poverty.
By Drew Nacino