Dumami pa ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom.
Batay ito sa survey ng Social Weather Station, kung saan umabot sa 12.6% ang mga pamilyang nakaranas ng involuntary hunger o walang makain nitong nakaraang buwan, kumpara sa 9.8% noong September 2023.
11.2% sa mga ito ang nakaranas ng moderate hunger o minsang kagutuman, habang 1.4% naman ang nakarasan ng matinding kagutuman.
Gayunman, bumaba ang bilang ng mga nagugutom sa metro manila sa 12.7% mula sa 17.3%. – sa panunulat ni Charles Laureta