Bumaba na ang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng gutom at kahirapan sa bansa.
Batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research para sa unang quarter ng 2024, lumabas na 42% na lang ng mga Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap.
Mas mababa ito sa naitalang 45% noong huling quarter ng 2023.
Bumaba rin sa 11% ang nakaranas ng involuntary hunger, mula sa 14% noong 2023.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, malaki ang tulong ng anti-poverty programs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbaba ng bilang ng mga nagugutom at naghihirap sa bansa.
Kabilang sa mga tinukoy ng House Speaker ang Cash and Rice Distribution (CARD) at iba pang programa ng pamahalaan katulad ng free college education, free health insurance, at pagbibigay ng cash assistance.
Sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) naman, natutupad ang hangarin ni Pangulong Marcos na ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan, katulad ng food, financial, at livelihood assistance, sa mga Pilipino.
Pagtitiyak ni Speaker Romualdez, patuloy na susuportahan ng Kamara ang economic programs at anti-poverty efforts ni Pangulong Marcos. Aniya, nakakagawa na ng mga makabuluhang hakbang ang pamahalaan tungo sa poverty-free Philippines.