Bumaba sa 2.9 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing nakaranas sila ng kagutuman o walang makain sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon batay sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Mula ito sa dating 3.1 milyon na bilang ng mga Pilipino nagsabing walang makain kahit isang beses sa tatlong buwan o noong unang quarter nang 2022.
Batay pa sa tala ng SWS mas mababa ng 0.6 points mula sa sa 12.2% ang hunger rate nitong Hunyo kumpara noong Abril o 0.2 points na mas mababa sa 11.8% noong Disyembre nang nakaraang taon.