Isa pang Filipino ang nasawi sa abroad makaraang dapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahilan upang sumampa na sa 945 ang death toll sa ibang bansa.
Samantala, ayon sa DFA, nasa 13,779 na ang kaso ng COVID-19 sa ibayong dagat matapos na magpositibo ang 19 pa na mga Filipino-abroad, habang umakyat na sa 8,817 ang mga gumaling makaraang makapagtala ng 23 new recoveries.
Aabot naman sa 4,017 patients ang sumasailalim sa treatment.
Sa datus ng DFA, lumalabas na pumalo na sa kabuuang 2,757 ang COVID-19 cases sa Asia and the Pacific Region na mayroong 769 patients at patuloy na nilalapatan ng lunas.
Umakyat naman sa 1,967 patients sa rehiyon ang nakarekober habang nasa 21 ang binawian ng buhay.