Pumalo na sa lima ang bilang ng Pilipinong nasawi matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkiye at Syria noong Pebrero a-sais.
Pagkumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Turkiye, nadagdag sa death toll ang isang Pinay at tatlo nitong anak na unang napaulat na nawawala sa antakya.
Wala nang buhay nang marekober ang katawan ng apat na agad inilibing ng kaniyang asawang Turkish, alinsunod na rin sa kanilang tradisyon.
Nagpahayag naman ng matinding pakikiramay sa pamilya ng nasawi ang embahada at ang buong Department of Foreign Affairs (DFA).
Nitong Sabado, Pebrero 18 inilibing ang unang Pinay na nasawi sa Turkiye sa Heaven’s Garden Memorial Park sa Tayabas City.
Tiniyak naman ng embahada na minamadali na nila ang proseso ng pagpapauwi sa mga Pilipinong gustong bumalik sa Pilipinas.