Mayorya ng mga Pilipino ang positibo sa pagharap sa bagong taong 2019 batay sa Social Weather Stations (SWS) survey.
Batay sa naturang survey noong huling quarter ng taong 2018 sa 1,440 respondents, 92 percent ng mga Filipino ang sumalubong sa bagong taon na puno ng pag-asa sa halip na pangamba.
Kumpara ito sa 96 na porysentong naitala noong 2017.
Ipinaliwanag ng SWS na karaniwan nang puno ng pag-asa ang mga Pinoy tuwing magbabagong taon na nagsimula sa 87 percent nang unang mag- survey noong 2000.
Palasyo, ikinalugod ang resulta ng survey
Ikinalugod ng Malakanyang ang resulta ng survey kung saan mayorya ng mga Pilipino ang nananatiling positibo ngayong bagong taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ipinakikita sa survey na maliit lamang o halos walang epekto sa nakararaming Pilipino ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay nito pinasalamatan ni Panelo ang lahat ng mga Pilipinong nananatiling positibo sa ilalim ng Duterte administration.
Tiwala rin aniya ang Malakanyang sa patuloy na suporta ng taumbayan sa pamahalaan para makamit ang tunag na pagbabago at kaunlaran ng bansa.