Bumaba na sa 5% ang bilang ng mga Pilipinong hindi pa willing na magpabakuna kontra Covid-19.
Batay sa OCTA Research Group tugon ng masa survey na ginawa nitong Disyembre a-siyete hanggang a-dose, bumaba na sa 5% ang unwilling mula sa labing-dalawang porsyento na naitala nitong Setyembre 2021.
Pinakamataas ay mula sa Visayas at Mindanao na may siyam na porsyento bawat isa, sinundan ng National Capital Region (NCR) at balance Luzon na may 3% kada isa.
Nangungunang dahilan ng mga Pilipinong ayaw pa rin sa bakuna ay ang; kaligtasang dulot nito, ang effectivity, mga hindi na kailangan ng bakuna at hindi pa pwedeng magpabakuna dahil may medical na kondisyon. —sa panulat ni Abby Malanday