Bumaba sa 2.50M nitong Setyembre ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ang datos kumpara sa 2.68 milyong Pilipinong walang trabaho noong Agosto.
Katumbas din ito ng 5% na national unemployment rate sa bansa.
Tinitignang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay ang pagluluwag ng COVID-19 restrictions at pagbabalik ng full implementation ng face-to-face classes.