Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa pagbubukas ng taong ito.
Ito ayon sa PSA (Philippine Statistics Authority) ay sa kabila ng mahigpit na quarantine level sa Metro Manila.
Ipinabatid ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na nasa P2.93M ang mga unemployed adults na may edad kinse pataas na nagpapakita ng 6.4% na unemployment rate.
Ang nasabing January 2022 unemployment rate ay mas mababa sa 6.6% na naitala nuong December 2021 kung saan nasa 340K sa mahigit tatlong milyong pilipino ang walang trabaho na naitala sa huling buwan ng 2021.