Mas dumami pa ang mga Pilipinong walang trabaho sa ikalawang quarter ng taong ito.
Ayon sa survey ng SWS o Social Weather Station, pumapalo sa 23.2 % o katumbas ng 10. 5 milyong Pinoy ang walang trabaho, mas mataas ng 4.1% sa naitalang 19. 1% mula sa unang quarter.
Mula sa naturang bilang ng jobless Pinoys, 11% o nasa 4.7 million ang boluntaryong iniwan ang kanilang mga trabaho.
Samantala, sampung porsyento naman o 4.4 million ang na-retrench o natanggal sa trabaho at mga natapos na kontrata na hindi na ni-renew.
Ang naturang survey ay isinagawa nitong nakalipas na June 5 hanggang 8 na may 1, 200 respondents sa buong bansa.
By Judith Larino