Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Agosto.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na sumampa sa 2.68 million o 5.3% ang bilang ng unemployed individuals, edad 15 pataas mula sa 2.60 million o 5.2% noong July.
Mas mababa naman ang unemployment rate na naitala noong August kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na may 8.1% o 3.88 million Pinoy na walang trabaho.
Samantala, tumaas din ang underemployment rate o ang kabuuang bilang mga manggagawa na naghahanap ng mas maraming trabaho sa 14.7% o 7.03 million noong August mula sa 13.8% o 6.54 million noong July.