Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong buwan ng Hulyo.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.07-M o 6.9% ang naitalang unemployment rate sa bansa noong nabanggit na panahon.
Ito’y mas mababa sa 3.73-M o 7.7% na naitalang mga Pilipinong walang trabaho noong Hunyo.
Gayunman, sinabi ng PSA na posibleng tumaas ang unemployment rate sa buwan ng Agosto dahil sa muling pagpapairal ng ating pamahalaan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.