Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa nuong Nobyembre ng nakaraang taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumadsad sa 3.2% o katumbas ng 1.66 milyong Pilipino ang walang trabaho sa nasabing buwan.
Mas mababa ito kumpara sa 3.9% unemployment rate nuong oktubre sa kaparehong taon.
Maliban dito, bumaba din ang underemployment rate sa 10.8% o katumbas ng 5.35 milyong Pilipino mula sa 12.6% nuong Oktubre ng nasabing taon.
Samantala, umakyat naman 96.8% ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho o katumbas ng halos 50 milyon katao.
Mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa 96.1% employment rate na naitala nuong Oktubre ng 2024. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo