Bumaba sa 5.8% o katumbas ng 2.87 million ang naitalang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong March.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito sa 6.4% o higit sa 3 milyon jobless Filipinos noong February.
Mas mabuti rin ayon sa PSA ang unemployment rate nitong March 2022 kumpara noong March 2021 na may 7.1% o 3.44 million na Pilipinong walang trabaho.
Tumaas naman sa 15.8% o 7.42 million ang underemployment noong March 2022 mula sa 14% o 6.38 million noong February 2022.