Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Agosto 2021 sa gitna nang ipinatupad na mahigpit na lockdown kontra COVID-19.
Ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority, nasa 3.88 million ang pinoy adults na walang trabaho o katumbas na 8.1 percent unemployment rate para sa nakalipas na buwan.
Sinabi ni PSA Chief Claire Dennis Mapa, na asahan na ang pagsirit ng mga pilipinong walang trabaho noong Agosto dahil sa muling pagpapairal ng ECQ sa metro manila.
Nasa 3.07 million ang jobless pinoys noong buwan ng Hulyo kung kailan nasa 6.9 percent ang unemployment rate.