Aabot na sa 3,500 katao ang pinatay ng Islamic State group sa Syria mula nang ideklara ang “caliphate.”
Ayon sa report ng Syrian Observatory for Human Rights, umabot na sa 53 katao kabilang na ang 35 sibilyan ang pinatay ng mga rebelde noong nakaraang buwan.
Mula naman sa pinakabagong tala ng Britain-based observatory, papalo na sa 3,591 katao ang pinaslang ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Syria mula nang idineklara ang islamic “caliphate”.
Kabilang sa pinakahuling report ang pagpatay sa isang libo siyamnaraan apatnapu’t limang sibilyan, kabilang na ang isangdaan at tatlong babae at pitumpu’t pitong bata.
Ang mga miyembo ng sunni shaitat tribe ang sinasabing pumatay sa halos kalahati sa bilang ng mga sibilyan.
By: Mariboy Ysibido