Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong tutol sa hakbang ng Kongreso na amyendahan ang 1987 Constitution.
Batay sa pinakahuling Pulse Asia survey, 64 porsyento ng mga Pilipino ang hindi pabor sa Charter change, 32 percent ang pabor habang 32 percent din ang naniniwalang posible ang Cha-cha sa hinaharap.
Lumalabas na bumaba ang 14 na porsyetno ang suporta ng publiko para sa Cha-cha mula sa dating 37 percent na suporta noong Hulyo ng 2016.
Lumalabas din sa survey ng Pulse Asia na mas marami nang Pinoy ang nakakaalam ng tungkol sa Charter change na kasalukuyang nasa 49 percent mula sa 41 percent ng Hulyo ng 2016.
—-