Bumaba ang bilang ng mga Pilipino na nabiktima ng mga karaniwang krimen sa ikatlong bahagi ng taon.
Ito ay batay sa Social Weather Stations (SWS) kung saan tinatayang 1.4 milyong pamilyang Pilipino o 5.6% ang napaulat na nabiktima ng krimen gaya ng mandurukot, pagnanakaw, panloloob, carnapping at physical violence.
Mas mababa ito kumpara sa 1.7 milyong pamilyang Pilipino na naitala nuong June 2019.
Isinagawa ang naturang survey nuong September 27 hanggang 30 sa 1,800 respondents.