Sumampa na sa 5,454 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) 2019 sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 289 na bagong recoveries.
Gayunman, 615 na bagong kaso naman ang nadagdag sa listahan ng DOH, kasama na rito ang 336 fresh cases habang 279 ang late cases.
Dahil dito, nasa 24,787 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.
Samantala, umabot na sa 1,052 ang bilang ng mga nasawi kasunod ng pagpanaw ng 16 pang pasyente.