Dumami ang mga Filipinong kuntento sa performance ng Duterte administration batay sa resulta ng pinakabagong Social Weather Stations o SWS survey.
Sa December 16 to 18, 2018 SWS survey sa isanlibo limandaang (1,500) adults, tumaas ng plus 66 points o very good ang net satisfaction rating ng administrasyon.
Katumbas ito ng 76 percent ng mga Pinoy na “satisfied” habang 9 percent ang “dissatisfied” at 15 percent ang “undecided.”
Umani ng mataas na puntos o “excellent” ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan at pagpapatayo ng mga infrastructure project.
Sa naturang survey, tinanong ang mga respondent kung gaano sila nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa kasalukuyang administrasyon.
‘Vote of confidence’
Itinuturing ng Malacañang na vote of confidence ang mataas na satisfaction rating ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Social Weather Stations (SWS).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pagtaas ng satisfaction rating ng Pangulo ay pagpapakita ng hindi natitinag na tiwala ng taongbayan sa Duterte administration.
Maaari rin aniya itong ituring na sampal o buwelta sa mga kritiko ng Pangulo.
Una rito, lumabas sa survey ng SWS na tumaas ng 16 points ang satisfaction rating ng Pangulo mula sa 55 percent noong September 2018 mula sa 66 percent nitong December 2018.—Len Aguirre
—-