Aabot sa 70M Pinoy ang may trabaho sa bansa.
Ito’y inihayag ng Commission on Population and Development (POPCOM) na produktibo para sa national economy.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority’s (PSA) 2020 Census of Population and Housing, aabot sa 69.40 milyon ng populasyon ng bansa at nasa pagitan ng 15 hanggang 64 taong gulang ang nasa working-age bracket.
Ayon kay POPCOM officer-in-charge-executive Director Lolito R. Tacardon, nagbibigay ito ng oportunidad para itaas ang conditions ng socio-economic ng bansa.
Ang pagtaas anya sa bilang ng productive Filipino ay nagresulta ng ‘’collective efforts” sa pagpapababa sa antas ng “fertility at mortality”.
Inamin ng opisyal na mabisa ang pagpapatupad ng mga programa ng PopDev, tulad na lamang ng pagpaplano ng pamilya. —sa panulat ni Jenn Patrolla