Nababawasan na ang mga tambay sa Pilipinas.
Ayon sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong November 8, 2023, bumaba ng 4.5% ang unemployment rate ngayong September 2023, mula 5% noong September 2022. Mula sa 2.5 million unemployed Filipinos noong nakaraang taon, bumaba ang bilang nito ngayong 2023 ng 2.26 million ayon kay National Statistician Dennis Mapa.
Malaking bahagi sa pagbaba ng unemployment rate ang mga hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapaunlad sa labor sector ng bansa.
Noong September 27, 2023 pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr. bilang batas ang Republic Act No. 11962 o Trabaho Para sa Bayan Act. Layon ng batas na itong malutas ang iba’t ibang hamon sa labor sector ng bansa gaya ng low quality jobs, skills mismatch, unemployment, at underemployment.
Sa ilalim ng Trabaho Para sa Bayan Act, palalakasin ang employability at competitiveness ng mga Pilipino sa pamamagitan ng upskilling at reskilling. Nakasaad sa nasabing batas ang paglikha ng Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC) na gagawa ng master plan para sa employment generation at recovery. Pamumunuan ito ng Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Magbibigay ng incentives ang pamahalaan sa employers, industry stakeholders, at private partners na magiging facilitator ng skills development, technology transfer, at knowledge ng mga negosyante at manggagawa.
Bukod dito, inaprubahan din ng Senado ang Public-Private Partnership Act kasabay sa paglulunsad ng National Innovation Agenda and Strategy Document for 2023-2032. Ang mga ito ay inaasahang makapagbibigay ng mas maraming trabaho.
Nariyan din ang Food Stamp Program ng administrasyong Marcos na may layong malabanan hindi lang ang kagutuman, pati na rin ang unemployment sa bansa. Matatandaang para manatili sa Food Stamp Program, kinakailangang mag-enroll ang beneficiaries nito sa job-generating programs ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Required rin ang beneficiaries na magbigay ng certificate bilang patunay na naghahanap sila ng trabaho.
Tutok din si Pangulong Marcos Jr. na manghikayat ng mas maraming investors para sa bansa sa kanyang ginagawang foreign trips. Matatandaang viral sa social media ang productive trip ng Pangulo sa Saudi Arabia kung saan nakakuha siya ng $120 million worth of Memorandum of Understanding agreement sa pagitan ng EEI Corporation ng Pilipinas at Samsung Engineering NEC Company ng Saudi. Sa kasunduang ito, ipatatayo ang isang 500-person capacity training facility sa bansa para sa upskilling ng mga Pilipino sa construction industry.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, unti-unti nang natutupad ang adhikain ng administrasyong Marcos na mapaunlad ang labor force ng bansa. Sa mga pagsisikap ng pamahalaan na mabigyan ng dekalidad trabaho ang mga Pilipino, matutupad ang hangarin ng Pangulo na magkaroon ng mas matatag at masaganang kinabukasan ang bansa.