Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nabiktima ng karahasan at krimen sa huling bahagi ng 2017.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan tinatayang nasa 1.7 milyong pamilyang Pilipino ang nabiktima ng karahasan at common crimes na pinakamataas sa ilalim ng Duterte administration.
Sa naturang survey, 7.6 percent ng mga Pilipino ang napaulat na nabiktima ng mga krimen gaya ng robbery, panlolob at carjackings.
Ito ay 1.5 puntos na masmataas kumpara sa 1.4 na milyong pamilyang Pilipino na nabiktima noong Setyembre ng nakaraang taon.
Maliban dito nasa 7.1 percent din ng mga pamilyang Pinoy o katumbas ng 1.6 na milyong Pilipino ang nanakawan sa lansangan matapos mabiktima ng mga mandurukot, holdaper, carjackers at iba pa.
Mas mataas anila ito ng 1.3 porsyento kumpara sa datos noong Setyembre ng nakaraang taon.
—-