Aabot na lamang sa 10% ang vaccine hesitancy sa bansa.
Ayon kay health undersecretary at treatment Czar Leopoldo Vega, higit na mas mababa ang nasabing bilang sa 30% ang naitala noong isang taon.
Dahilan anya nito ang puspusang hakbang ng gobyerno upang maalis ang pag-a-alinlangan ng publiko sa epekto ng COVID-19 vaccines.
Kabilang na rito ang ginagawang house-to-house vaccination at patuloy na pagdaraos ng malawakang bakunahan.
Nagpapatuloy rin anya ang pagkamit sa 77 milyong Pilipinong bakunado kontra COVID-19 sa katapusan ng buwan ng Marso.